ALAMIN: Scholarship Success Story ni Joselito Deloria!

February 19, 2020


Maraming gustong magtapos ng pag-aaral – bata man o matanda. Pero sa panahon ngayon, kung hindi ka galing sa pamilyang may kaya, marahil ay magiging challenge ito para sa iyo. Naging goal din ito ng Acabar employee na si Joselito Deloria para sa kanyang mga anak. At dahil sa Acabar scholarship program, natupad niya ito! Let’s find out kung paano.

2002 pa lang noong nagsimula si Joselito Deloria sa Acabar bilang isang merchandiser. At dahil sa kanyang hard work at dedication, Account Executive na siya ngayon para sa isang client ng Acabar.

Noong nag-launch ang ACABARal, ang Acabar Scholarship Program, noong taong 2018, ipinaalam ito ng Operations Manager kay Joselito. Agad-agad nag-apply si Joselito sa program na ito dahil pasok naman sila sa qualifications – maganda ang grades ng kanyang anak, at loyal at maganda ang performance ni Joselito sa Acabar.

"Sobrang excited ko kasi alam kong makakatulong ito sa pang araw-araw namin ng mga anak ko at sa pangangailangan niya." ika nga ni Joselito. Malaking tulong nga ang naibigay nito. Nakapag-entrance exam na ang kanyang anak na si Jan Mae sa UP at TUP para sa course na Architecture.

At hindi lang sa scholarship naging masaya si Joselito. Ramdam ng mga empleyado ang benefits ng company. “Hindi ako tatagal dito kung hindi maganda ang pakikitungo nila sa kanilang mga employee,” sabi ni Joselito noong tanungin siya tungkol sa pakikitungo ng kompanya sa kanilang mga empleyado.

Isa lamang si Joselito sa mga empleyado na nagsisilbing inspirasyon at testimonya na inaalagaan talaga ng Acabar ang bawat manggagawa ng kompanya. Priority nila ang kinabukasan ng kanilang mga workers at kanilang mga pamilya, kaya sila nagbibigay ng scholarship programs, trainings, workshops, at loan programs para sa nangangailangan. Kapag taga-Acabar ka, siguradong alaga ka!


#AlagangAcabar
#TatakAcabarAngatSaIba